Pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, aprubado ng DTI

Inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at grocery items sa merkado.

Ito ang kinumpirma ni DTI Undersecretary Victor Dimagiba sa DZAR sonshine radio.

Ayon kay Dimagiba, normal lang ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil tumaas din ang demand sa mga ito ngayong pasukan.

Tiniyak naman ni Dimagiba, na patuloy na magmo-monitor ang DTI para matiyak na hindi lalampas ang pagpe- presyo ng mga negosyante sa itinakdang Suggested Retail Price (SRP) sa mga pangunahing bilihin sa mga merkado.

Speak Your Mind

*