Pagtaas sa presyo ng gatas, aprubado na ang mas mataas na SRP

Inaasahan narin ang pagtaas ng preso ng gatas matapos aprubahan ng National Price Coordinating Council ang mas mataas na Suggested Retail Price (SRP) simula sa Hulyo 1.

Para sa 370 mililiter o kaya ay 410 mililiter na lata ng evaporated milk, ang bagong srp nito ay nasa P38. 15 hanggang p38.20 pesos mula sa kasalukuyang p36.80 hanggang P37 pesos.

Samantala, ang 300 ml na lata naman ng condensed milk ay aakyat sa p53 pesos mula sa kasalukuyang P51.30 pesos.

Habang ang 150 grams naman na powdered full cream milk ay aakyat sa P51 pesos hanggang p58.10 pesos mula sa dating P48.50 hanggang P53.80.

At ang isang 160 grams naman na powdered full cream milk ay nas P77.42 pesos na mula sa dating P77 pesos.

Speak Your Mind

*