Pagtakbo sa 2016 Presidential elections itutuloy—Revilla

Siya ay nakakulong na, desidido pa rin si Senador Ramon Revilla na ituloy ang pagtakbo sa 2016 Presidential Elections.

Ayon kay Revilla, sa kabila ng kinakaharap na kasong Plunder ay lumalakas ang mga panawagang tumakbo siya bilang Pangulo ng Bansa.

Ipinaliwanag ni Revilla na sakaling makulong na siya ay gagawin niya ang ginawa ni Senador Antonio Trillanes noong 2007 Elections.

Matatandaang kahit na nakakulong si Trillanes noon ay nanalo pa rin ito sa Eleksiyon dahil may ibang tao ang nangampanya para sa kaniya.

Habang wala pa ang arrest warrant laban sa kanya, sinabi ni Revilla na mag-iikot na siya sa mga lalawigan para ipaliwanag ang kanyang kaso.

Speak Your Mind

*