Pagtataas sa presyo ng Commercial Rice, asahan na umano sa mga susunod na araw

Asahan na umano ang pagtaas sa presyo ng Commercial Rice sa mga susunod na araw dahil sa pagpasok sa Lean Months ng ating Bansa ngayong Hunyo.

Ayon kay National Food Authority (NFA) Director for Public Affairs Rex Estoperez, isa hanggang dalawang piso kada kilo ang posibleng itaas nito.

Sa ngayon ay pumapalo sa P40 ang regular Milled Rice at ang well-milled rice naman ay nasa P42 bawat kilo.

Inaasahan namang mananatili ang naturang halaga hanggang Setyembre na simula ng Harvest Season.

Nilinaw naman ng NFA na wala pang kinalaman sa El Niño ang naturang price increase para sa iba’t-ibang uri ng bigas.

Speak Your Mind

*