Pagtatayo ng evacuation center at warehouse, ikinasa sa Alaminos City

Ikinakasa ng lokal na pamahalaan ng syudad ng Alaminos ang pagtatayo ng isang evacuation center at warehouse sa tatlong ektaryang lupain sa  Brgy. Tacarang, bilang paghahanda sa mga kalamidad na katulad ng super typhoon Yolanda. .

Ayon kay City Disaster Risk Reduction Management Officer Mylene Onia, bukod sa pagsabog ng bulkan, prone sa lahat ng uri ng panganib ang syudad, iba na raw ang panahon ngayon at hindi na masasabi kung anong uri ng kalamidad ang maaaring dumating o tumama sa isang lugar.

Ito ang tukoy na lugar na nakikitang ligtas sa pagbaha at kayang maka-accommodate ng mahigit isang libong indibidwal o mahigit isang daang pamilya.

Isa ito sa mga long term plan para sa disaster program ng lokal na pamahalaan ng Alaminos ay ang pagkakaroon ng isang evacuation center dahil hindi na raw pwedeng gawing evacuation area ng mahabang panahon ang mga paaralan.

Speak Your Mind

*