Pamilya Binay, handang harapin ang kaso kaugnay sa Pork Barrel Scam

Handa nang harapin ng pamilya ni Vice President Jejomar Binay ang kaso na posibleng isampa laban sa kanila kaugnay ng Pork Barrel Scam.

Ito ang iginiit ni Makati City Mayor Jun-jun Binay matapos masabit ang kanilang pangalan sa isyu ng maanomalyang paggasta sa pondo ng bayan.

Ang palasyo naman, tikom pa rin ang bibig kung may nakahanda na nga bang kaso laban sa pamilya ng Bise Presidente.

Una nang isinangkot si Makati City Second District Representative Mar-len Abigail Binay na umano’y naglaan ng labing limang milyong piso sa gabay at PAGASA ng masa foundation na isang bogus na NGO.

Maliban diyan ay sinabinaman ng scrap pork network na may mga natanggap silang ulat na naglaan din umano ng mahigit sa labing dalawang milyong pisong pork barrel sa kasanib foundation si Representative Binay.

Ayon sa grupo, natuklasan nilang board member ng nasabing foundation ang kapatid ng Kongresista na si Mayor Jun-jun Binay.

Speak Your Mind

*