Panawagan kay Pnoy na huwag nang ipakulong si Senador Juan Ponce Enrile dahil sa edad, tinututulan

Umapela si Senador Jinggoy Estrada kay Pangulong Aquino na huwag na nitong ipakulong si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile.

Ayon kay Estrada, nakakaawa naman kung pati si Enrile ay ipakukulong dahil na rin sa edad nitong nubenta-anyos.

Si Enrile ay kasama nina Estrada at Senador Ramon Revilla Jr. na kinasuhan ng plunder ng Ombudsman sa SandiganBayan kaugnay ng pork barrel scam.

Sinabi pa ni Estrada na tahimik lamang si Enrile at ang tanging binitiwang salita nito sa kanya ay magkita-kita na lamang sila sa korte.

Iginiit naman ni Estrada na handa siyang sumuko at harapin ang kaso dahil wala siyang balak na magtago sa sandaling ilabas ng sandiganbayan ang kanilang arrest warrant.

Speak Your Mind

*