Panawagang bumaba na sa pwesto ni Budget Sec. Butch Abad, lumalakas

Patuloy na lumalakas ang panawagang bumaba na sa pwesto si Budget Secretary Florencio “Butch” Abad!

Ito ay sa gitna ng pagkakadawit ng kalihim sa pork barrel scam at pagkakadikit ng apelyedo nito sa nepotismong umiiral sa pamahalaang Aquino.

Ayon kay Volunteer Against Crime and Corruption Chairman Dante Jimenez, mas maiging umalis na lamang sa pwesto si Abad, para kahit papaano’y may maiwan pang dignidad sa kanyang sarili!

Maliban sa VACC ay ipina-panawagan na rin ng ilang mambabatas ang pagbibitiw sa pwesto o kahit pag-leave ni Sec. Abad sa kanyang tungkulin sa gitna ng pagkakasangkot niya sa pork barrel scam!

Speak Your Mind

*