Pangarap na zero backlog sa mga silid-aralan sa bansa, nananatili

Itinanggi ng department of Education (DEPED) na hanggang pangarap na lamang ang zero backlog sa mga silid-aralan sa Pilipinas.

Ayon kay Deped Assistant Secretary Jesus Lorenzo Mateo, gumagawa naman ng paraan ang gobyerno para masolusyunan ang problema sa kakulangan ng mga silid-aralan.

Dagdag pa ni Mateo, hindi tumitigil ang pagpapatayo ng mga silid- aralan sa iba’t ibang paaralan sa bansa maliban na lang sa ilang eskwelahan na wala na talagang espasyo para pagtayuan nito.

Samantala, humihingi ng pag-unawa ang Deped sa publiko sa kinakaharap nitong problema pagdating sa kakulangan ng mga silid-aralan ngayong School Year 2014-2015.

Speak Your Mind

*