Pangasinan Brotherhood sa Estados Unidos naglalayun ng exportation ng mga Pangasinan product sa Afghanistan

Ikinakasa na ng Pangasinan Brotherhood sa Estados Unidos ang exportation ng mga Pangasinan product sa Afghanistan at Estados Unidos.

Ito ang pangunanahing dahilan kung bakit umano personal na dumalaw ang nasabing grupo sa provincial capitol sa Bayan ng Lingayen.

Sinabi ni Pangasinan Brotherhood U-S Eddie Ferrer, na wala siyang nakikitang dahilan para mahadlangan ang naturang exportation dahil mismong ang mga investors pa ang bumisita sa lalawigan.

Lahat rin umano ng mga produkto ng Pangasinan ay pinag-aaralan pa kung paano ma-e-export.

Ayon naman kay John lam-hu ang Business Stability Operation ng Afghanistan, lahat ng mga produkto na kinukonsumo sa Afghanistan ay kanilang ini-import at maaring source ang Pangasinan kaya nakipag-partner sila sa Pangasinan Brotherhood ng Estados Unidos.

Speak Your Mind

*