Pangasinan Go for Better Health Team, umarangkada na…, healthy lifestyle, isinusulong

Sinimulan na ng Lingayen Public Health Team ang pagsusulong ng isang healthy lifestyle sa mga grade school children bilang tampok sa selebrasyon sa National Nutrition Month ngayong buwan ng Hulyo, sa temang “Pangasinan Go 4 for a Better Health”.

Ayon kay Dr. Franklin Sable, Chief of the Lingayen District Hospital, kabilang sa programa ang pagsasagawa ng awareness campaign na nakatutok sa nutrisyon, oral health care, safety in the school, sanitation at healthy lifestyle.

Ang nasabing programa ay isang adaptation ng ‘Pilipinas Go4health Program’ ng Department of Health at may kaugnayan din sa adbokasiya ng probinsya na “Make Pangasinan the Home of Healthiest Filipinos”.

Ang apat na ‘Go Campaign’ para sa isang mas malusog na Pangasinense, ay kinabibilangan ng go for nutrition, go for oral health care, go for clean sanitation and good environment, at go for healthy habits.

Speak Your Mind

*