Pangasinan, kumpyansang muling makakatanggap ng Local Governance Award

Inaasahang tatanggap na naman ang pangasinan ng isa pang Department of the Interior and Local Government (DILG) Local Governance Award, ang pagkilala sa katapatan at kahusayan ng pamahalaang lokal.

Ayon kay DILG Regional Director Paulino Lalata, Jr., ang Regional Assessment Team, nasusukat ang isang LGU sa pagsusunod nito sa anim na criteria na sumasakop sa tatlong core elements.

Kabilang na aniya dito ang Good Financial Housekeeping, Disaster Preparedness and Social Protection, Business Friendliness and Competitiveness, Environment Management at Peace and Order.

Idinagdag pa ni Lalata na sa nasabing criteria ay kumpiyansang naipasa ng Provincial Government at kung papalarin ay makakatanggap ito ng package of incentives, kagaya ng performance challenge fund at iba pang National Performance-Based Programs.

Speak Your Mind

*