Pangasinan, maituturing paring Generally Peaceful

Maituturing parin na Generally Peaceful ang lalawigan ng Pangasinan sa kabila ng nangyaring pagpatay kay Uzbiztondo Mayor Enesto “Jun” Balolong nitong Sabado.

Ito ang iginiit ni Provincial Police Office (PPO) Public Information Officer P/Supt. Ryan Manongdo.

Ayon kay Manongdo, maituturing parin na Isolated Cases ang nangyaring pagpatay dahil ito aniya ay pinagplanuhan ng mga salarin depende narin sa tinatakbo ng imbestigasyon.

Ganumpaman, sinabi ni Manongdo na ang naturang insidente ay itinuturing na malaking hamon sa hanay ng Kapulisan lalot ang napatay na biktima ay isang Elected Official na malaki ang impluwensya sa Publiko.

Matatandaang kinondena ng Pangasinan Mayors’ League (PML) ang brutal na pagpaslang kay Balolong Jr. at nanawagan ang grupo sa Kapulisan na madaliin ang imbestigasyon sa kaso.

Speak Your Mind

*