Pangasinan, may pinakamataas ng nakumpiskang shabu sa Region1

Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 na ang lalawigan ng Pangasinan ang may pinakamaraming kumpiskadong shabu sa buong rehiyon.

Ito ay ayon kay PDEA Region 1 Director Adrian Alvarino, aabot sa animnaraang (600) gramo ng shabu ang kanilang nakumpiska sa kanilang isinagawang operasyon sa Pangasinan kung saan uumabot naman sa isandaan pitumpot isa (171) ang taong naaresto.

Sinabi naman ni Alvarino mas pinapaigting pa nila ang kanilang anti-illegal drugs campaign lalot sa mga bayang kabilang sa drug watchlist sa lalawigan kabilang na ang lungsod ng Urdaneta at Dagupan.

Kasabay nito, patuloy namang umaapela ang PDEA Region 1 sa Sangguniang Panlalawigan na tulungan silang isulong ang kampanya kontra droga.

Speak Your Mind

*