Pangasinan Mayor’s League, mariing kinondena ang pagpaslang sa Alkalde ng Urbiztondo

Mariing kinondena ng Pangasinan Mayor’s League (PML) sa brutal na pagpaslang kay Urbiztondo Mayor Ernesto Balolong Jr. at nanawagan ang grupo sa kapulisan at iba pang ahensya na madaliin ang imbestigasyon sa kaso para makamtan ang hustiya ng mga nagdadalamhating pamilya.

Sa isinagawang emergency meeting ng Pangasinan Mayor’s League kahapon, inamin ni Dasol Mayor Noel Nacar, ang PML President, na sila ay nalulungkot dahil isa sa kanilang grupo ay namatay.

Pinasisiguro ni Nacar ang kumpletong ebidensya laban sa mga suspek, dahil ang mga pumatay din kay Mayor Ruperto Martinez ng Infanta noong December 15, 2012, naaresto din ang dalawang suspek pero hanggang ngayon ay nananatili pa rin silang suspek.

Kasalukuyan pang isinasagawa ang intensibong manhunt operation ng Special Investigation Task Group (SITG) “Balolong” na binuo ni Philippine National Police (Pnp) Region I Director Roman Felix.

Speak Your Mind

*