Pangasinan, nakapagtala ng isang patay sa sakit na leptospirosis

Isang kaso na ng pagkamatay sa sakit na leptospirosis ang naitala ng Provincial Health Officce o PHO Pangasinan mula sa dalawang kasong naitala mula buwan ng Enero hanggang Hunyo desi-sais ngayong taon.

Ayon kay PHO Officer Dr. Anna de Guzman, ang nasawi ay mula sa bayan ng Manaoag kung saan isa itong magsasaka na hindi agad nalapatan ng kaukulang gamot laban sa leptospirosis.

Iginiit ni De Guzman na mapanganib ang naturang sakit lalo na sa mga magsasaka na palaging nakababad ang paa sa tubig dahil kung itoy mapapabayaan ay maari itong mauwi sa kamatayan.

Karaniwan umanong sintomas na nararamdaman ng taong positibo sa leptospirosis ang pamamanhid, pamuula ng mata, paninilaw ng balat at pagkakaroon ng kulay-tsaa na ihi.

Pinayuhan naman nito ang publiko na upang makaiwas sa leptospirosis, manatili na lamang sa bahay o gumamit ng boots sa panahon ng baha.

Speak Your Mind

*