Pangasinense, mararamdaman na ang pagbaba ng singil ng kuryente sa mga susunod na araw

Posibleng maramdaman na ng mga Pangasinense ang mababang singil sa kuryente sa mga susunod na araw ngayong buwan ng Hunyo hanggang Setyembre.

Ayon kay Rodrigo Corpuz, Area Manager ng Central Pangasinan Electric Cooperative o CENPELCO San Carlos City, na wala nang magiging problema sa suplay ng kuryente at pababa na ang rate ng kuryente sa stock market.

Idinagdag pa ni Corpuz, na makatitiyak din na makapagbibigay ng magandang serbisyo ang CENPELCO sa mga consumer dahil naisa-ayos na ang kanilang mga transmition lines.

At ngayong nararanasan ang mga hindi inaasahang pagkidlat, tiniyak din ng CENPELCO na may sapat silang transformer unit na pamalit upang maiwasan ang biglaang pagkawala ng suplay ng kuryente o brown-out.

Speak Your Mind

*