Pangasinense, pinayuhan suriin ang mga pagkaing kakainin

Pinapayuhan ngayon ni Provincial Health Officer Dr. Anna Teresa De Guzman ang publiko, na palaging maging mapanuri sa mga pagkaing kinakain, lalo na ang paghahanda sa mga pagkain upang hindi madaling mapanis o masira.

Ito ang pahayag ni De Guzman matapos mabalitaan na tatlumput walong residente sa Eastern Pangasinan ay naospital dahil sa suspected food poisoning.

Karamihan sa mga biktima ay mula sa bayan ng Tayug, at kalapit na bayan ng Sta. Maria at San Nicolas, at ngayon ay nakalabas na sa ospital.

Sa panayam kay Dr. Alfredo sy, ang hepe ng Eastern Pangasinan District Hospital, ang mga biktima ay nakakain umano ng itlog na maalat na binili sa ilang ambulant vendors, sari-sari stores at public market ng mga nabanggit na bayan na ito ang dahilan ng kanilang pagkalason.

Speak Your Mind

*