Pangulong Aquino, posibleng kasabwat daw sa pork barrel scam

Posibleng kasabwat si Pangulong Noynoy Aquino sa pork barrel scam!

Ito ang paniniwala ng Volunteers Against Crime and Corruption.

Sinabi ni VACC Chairman Dante Jimenez na ito ang nakikita nilang dahilan kung bakit patuloy na pinapanigan ni Pangulong Aquino si Budget Secretary Butch Abad sa isyu ng  Nepotismo sa kanyang administrasyon.

Ani Jimenez, halata namang ipinagtatanggol na naman ng pangulo ang isa sa kanyang mga kaalyadong dawit sa pork barrel scam!

Dagdag pa ni Jimenez, ang pagkakaroon ng labing isang kamag-anak sa gobyerno ni Abad ay isang maliinaw na pag-abuso sa kanyang kapangyarihan bilang punong ehekutibo ng bansa!

Speak Your Mind

*