Panukalang pagtatayo ng kulungan sa high profile detainees, tunutulan

Tutol ang ilang kongresista sa panukalang pagtatayo ng isang kulungan para lamang sa mga high profile detainees.

Ayon kay Dasmarinas City Representative Elpidio Barzaga Jr. ang naturang panukala ay maituturing na ‘discriminatory in character.’

Malinaw rin aniya itong paglabag sa pantay na Protection Clause na nakasaad sa konstitusyon.

Para naman kay 1-Bap Partylist Representative Silvestre Bello III, labag sa batas ang nasabing panukala!

Sa kabilang banda, naniniwala naman si Ilocos Norte Representative Rodolfo Fariñas na case-to-case basis naman ang magiging sitwasyon ng high profile detainees.

Aniya, mahirap din namang maglagay ng mga criteria na posibleng maabuso ng ilang tiwaling pinuno.

Speak Your Mind

*