Patrollers Challenge-Shooting Competition, isinagawa sa PPO firing range

Isinagawa sa lalawigan ng Pangasinan ang isang shooting competition mula sa hanay ng mga Police Patrollers ng probinsya, na tinaguriang “Patrollers Challenge” sa pangunguna ng Provincial Police Office (PPO) na ginanap sa PPO firing range sa bayan ng Lingayen Pangasinan.

Ang nasabing kompetisyon ay layuning mapalakas ang shooting skills at confidence sa paghawak ng mga untoward incidents.

Itong kakayahan ay kanilang magagamit sa kanilang mga Check Point Operation, Motorized Anti-street Crime Operations, Mobile, Bike at Police-Community Assistance Referral Team (CART).

Ayon pa kay Senior Inspector Ryan Manongdo, Police Spokesperson ng Pangasinan, ito ay nagsilbing evaluation sa hanay ng mga patrollers sa posibleng aksyon na kanilang gagawin kung mahaharap sa anumang crime incidents sa kanilang mga sakop na lugar.

Speak Your Mind

*