PDEA, umapela ng tulong para masolusyunan ang problema ng droga sa Pangasinan.

Humingi na ng tulong ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 sa mga Local Government Unit (LGU’S) at mga Non-government Organization (NGO’S) para sa ikalulutas ng problema ng Droga sa Lalawigan ng Pangasinan.

Iginiit ni PDEA Region 1 Director Adrian Alvarino, hindi mareresulba ang naturang  problema kung puro Law Enforcement lang ang kanilang gagawin kundi isang pagkakaisa ng mga LGU’S at NGO’S.

Dagdag pa ni Alvarino, sasampu ang PDEA agent sa Lalawigan ng Pangasinan kaya’t kailangan nang buuin ang Anti-drug Action Council mula sa barangay hanggang Municipal level upang mapalakas ang Law Enforcement laban sa droga.

Samantala, ayon sa report ng PDEA Region 1, malaki parin ang problema ng droga sa lalawigan dahil sinasamantala umano ng mga drug lord ang magandang lugar ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*