PDEA, Suportado ang panukalang Mandatory Drug Testing sa mga bilanggo

Kinatigan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang panukalang isailalim sa Mandatory Drug Testing ang lahat ng bilanggo.

Kabilang dito ang mga nahatulan, mga binigyan ng parole, mga Probationary at mga inarestong personalidad na nasa bilangguan.

Ayon kay Undersecretary Arturo Cacdac, Jr., Director General ng PDEA, mahalaga ang isinusulong na House Bill 2777 upang mabigyan ng pangil ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa ilalim ng panukalang batas, isasailalim na sa Mandatory Drug Test ang lahat ng bilanggo kada anim na buwan.

Speak Your Mind

*