PDRRMC, hindi umano nagkukulang sa paalala sa mga Mangingisda tuwing may Bagyo

Hindi umano nagkukulang sa pagpapaalala ang Provincial Disaster and Risk Reduction Management Council o PDRRMC sa mga mangigisda na huwag pumalaot kung may sama ng Panahon o Bagyo.

Ito ang iginiit ni PDRRMC Spokesperson Avenix Arenas kaugnay sa palagi nang naiuulat na maraming mga mangingisda sa lalawigan ng Pangasinan ang nawawala sa karagatan.

Ayon kay Arenas, mabilis ang advisory na ibinibigay ng PDRRMC sa mga LGU’s bilang babala sa mga mangigisda na huwag pumalaot kung may namataang masungit na panahon, gale warning, low pressure areas (LPA) at Bagyo.

Iginiit ni Arenas na responsibilidad ng mga Barangay Disaster Risk Reduction Management Chairman o mismong ang Brgy. Captain sa lugar ang magbawal sa mga Mangingisdang pumapalaot.

Speak Your Mind

*