PDRRMC, nagbabala sa piligrong dala ng palagiang pagkulog at pagkidlat

Nagbabala ngayon ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC Pangasinan sa publiko na mag-ingat sa nararanasan natin ngayon na palagiang pagkulog at pagkidlat.

Ito ay kaugnay sa isang magsasaka ang tinamaan ng kidlat sa barangay Abot-Molinao sa bayan ng Umingan Pangasinan, ang agad na binawian ng buhay.

Nabatid na ang kinamatay ng biktimang si Renato Cajilo, ay dahil sa cellphone sa katawan nito na direktang tinamaan ng kidlat.

Ayon kay PDRRMC Spokesperson Avenix Arenas, mapanganib ang mga materyal na gawa sa metal tulad ng cellphone kayat dapat na ito’y iwasan kapag kumikidlat.

Speak Your Mind

*