PDRRMC, pinaalalahanan ang mga mangingisda lalo na kung may weather disturbances

Patuloy na nagpapaalala ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC sa mga mangingisda at mga fishboat owner sa lalawigan ng Pangasinan ng mga dapat gawin kung sila ay papalaot.

Kaugnay ito sa tatlumpot dalawang mangingisda mula Nasugbo, Batanggas na napadpad at nailigtas ng kapwa mangingisda matapos ang walong araw na pagpapalutang-lutang sa karagatang sakop ng bayan ng Bolinao, Pangasinan.

Ayon kay PDRRMC Spokesperson Avenix Arenas, mahalagang nakarehistro ang gagamiting fishing boat, upang sakali mang ito ay masira o mawala ay maaari itong palitan sa pamamagitan ng insurance.

Importante rin umano ang pagkakaroon ng mga kumpletong kagamitan, tulad ng Radio Communication System, dahil magagamit ito sa panahon ng sakuna.

Idinagdag pa ni Avenix na hindi dapat pumalaot ang lahat ng mga mangingisda kapag may manononitor na weather disturbances upang maiwasan ang disgrasya.

Nabatid sa tala ng PDRRMC noong nakaraang taon, umaabot sa tatlumpot anim na mga mangigisda ang nawala at labing pito lamang sa mga ito ang na-rescue, labing walo ang hindi natangpuan habang isa naman ang namatay.

Speak Your Mind

*