PENRO, hinihikayat ang mga Pangasinense na makiisa sa pangangalaga sa kalikasan

Nananawagan ang Provincial Environment and Natural Resources Office o PENRO Pangasinan sa publiko na makiisa sa pangangalaga sa ating inang kalikasan ngayong “Environment Month”.

Batid naman umano ng lahat na nararamdaman na natin ang lumalalang epekto ng climate charge bunsod ng global warming, patunay rito ang pagbago-bagong lagay ng panahon.

Ayon kay PENRO Office Leduina “Wendy” Co, sa simpleng paraan ay makatutulong ang publiko upang malabanan ang banta ng climate charge tulad ng pagtitipid sa paggamit ng tubig, kuryente, waste segregation, at hindi pagbili ng mga produktong makakasira sa ozone layer.

Ani Co, mahalagang matuto ang lahat na gawin ang responsibilidad sa pangangalaga sa kalikasan dahil malaking tulong na ito lalo’t ang Pilipinas naman aniya ay hindi highly industrialize nation.

Speak Your Mind

*