PHO, tudo banta sa kaso ng pagkalason dahil sa kinaing itlog na maalat

Mahigpit nang binabantayan ngayon ng Provincial Health Office o PHO Pangasinan ang umanoy muntikang pagkalason ng mahigit tatlumpong katao matapos kumain ng itlog na maalat sa lalawigan ng Pangasinan.

Nabatid na tatlumpot walong katao mula sa mga bayan ng Sta. Maria, Natividad, San Nicolas ang isinugod sa Eastern Pangasinan District Hospital sa bayan ng Tayug dahil sa pagdaing ng pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Ayon kay PHO Officer Dr. Anna de Guzman, hinihintay pa nila ang resulta ng kanilang ginawang pagsusuri upang makumpirma kung food poisoning nga ba ang dahilan ng pagkakasakit ng mga ito.

Sa ngayon, nanawagan naman ang Provincial Health Office sa mga residente sa lugar na iwasan muna ang pagbili ng itlog maalat sa habang inaalam pa ang pinagmulan ng ibinibentang produkto sa merkado.

Speak Your Mind

*