Pilipinas, posibleng madamay sa namumuong tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Tsina

Posibleng madamay ang Pilipinas sa namumuong tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Tsina!

Ito ang paniniwala ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate sa gitna ng banta ng China na handa sila na maging kwalipikadong kalaban ng Amerika!

Nag-ugat ang naturang pahayag matapos na pasaringan ng Amerika ang Tsina na makakaaway nila ang nasabing bansa kung patuloy itong magiging agresibo sa West Philippine Sea.

Ayon kay Zarate, tiyak na maiipit ang Pilipinas sa iringan ng dalawang bansa.

Kasunod nito ay binatikos niya ang nilagdaang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos!

Speak Your Mind

*