Pinakawalang Sabalo sa ilog ng Dagupan, tiyak na magpapalago sa bangus industry

Pinakawalan ng Dagupan City Government at Bureau of fisheries and Aquatic Resources – National Integrated Fisheries Technology Development Center (BFAR-NIFTDC) ang labing tatlong “Sabalo” o bangus breeders sa Riversystem ng Dagupan.

Ang programa ay bahagi sa selebrasyon ng ika-67th Agew na Dagupan ngayong Hunyo sa pangunguna ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez, Archbishop Socrates Villegas ng Lingayen-Dagupan Archdiocese, BFAR-NIFTDC Director  Dr. Westly Rosario at City Agriculturist Emma Molina.

Inaasahan naman na dahil sa pinakawalang “Sabalo” na kayang makapangitlong ng higit kalahating milyong similya ng bangus ay magpapayabong ito sa industrya ng bangus sa lungsod.

Inaasahan naman ni Dr. Westly Rosario, na makikiisa ang mga mangingisda sa naturang proyekto at hindi huhulihin ang naturang mga sabalo.

Speak Your Mind

*