Pinalayang sundalo ng Taliban sa Afghanistan, hindi raw bayani

Stable na ang kundisyon ng sundalong amerikano na si Sgt. Bowe Bergdahl, matapos siyang palayain ng Taliban kapalit ng pagpapalaya ng Amerika sa limang pinakamatinik at pinakadelikadong mga miyembro ng Taliban Group na nakakulong noon sa Guantanamo Bay!

Limang taon ding bihag ng teroristang grupo si Bergdahl na noo’y naka-poste sa Afghanistan.

Sa ngayon ay hindi pa matiyak kung hanggang kailan mananatili sa ospital si Bergdahl.

Samantala, hindi naman bayani kundi isang iresponsableng sundalo ang turing ng iba kay Bergdahl matapos lumabas ng balita na kusa niyang inabandona ang kanyang poste bago pa siya binihag ng Taliban noong 2009!

Napag-alamang gumastos pa ng malaking halaga ang Amerika noon mahanap lang ang nawawalang si Bergdahl.

Speak Your Mind

*