Pinangangambahan ang pagtaas ng kaso ng Leptospirosis ngayon Tag-ulan

Ayon kay Health Usec. Eric Tayag, Director ng National Epidemiology Center (NEC), asahan na ang pagdami ng mga tinamaan ng Leptospirosis at iba pang sakit sampung araw matapos ang matinding pagbaha.

Inatasan na rin aniya ang mga ospital ng pamahalaan na maging handa at unahin ang mga pasyenteng infected ng mga sakit dahil sa pagbaha.

Karaniwan nang nakakaramdam ngĀ  pamamanhid, mapulang mata, naninilaw na balat at pagkakaroon ng kulay-tsaa ang ihi ng mga taong may Leptospirosis.

Upang makaiwas sa Leptospirosis, pinayuhan ni Tayag ang Publiko na manatili na lamang sa bahay o gumamit ng boots sa panahon ng baha.

Speak Your Mind

*