Pinapatupad na suspension ng permit to carry firearms outside the residence, tinutulan ni BM Bince

Mariing tinutulan ni 6th District Boarb Member Alfonso Bince ng Sangguniang Panlalawigan ang kautusan ni PNP Chief Gen. Allan Purisima na suspension ng permit to carry firearms outside the residence.

Ikinatuwiran ni BM Bince, na posibleng malagay sa alanganin ang buhay ng mga Alkalde sa Pangasinan kung saan binigyan diin niya na mula noong 1990 ay siyam na Mayor na sa lalawigan ng napatay.

Kabilang aniya dito sina Mayor Rostemio Tabayoyong ng Bayan ng Laoac noong 1990, Jose Peralta Sr., ng Baliungao noong 1993, Gil Nava ng Aguilar noong 2001, Guirero Zaragoza ng Tayug noong 2003, Conrado Rodrigo ng San Nicolas noong 2004, Jullian Resuello ng San Carlos noong 2007, Arthur Cabantac ng Agno noong 2008, Ruferto Martinez ng Infanta noong 2012 at Mayor Enesto Balolong ng Urbiztondo ngayong taon 2014.

Dahil dito, hinihiling ni Bince sa PNP na alisin ang kautusan para narin sa kaligtasan ng mga alkalde, lalot hanggang sa ngayon ay wala pang nareresulba sa naturang mga pagpatay.

Speak Your Mind

*