Piso rollback sa produktong Petrolyo, Pinangunahan ng kumpanyang Flying V

Pinangunahan kahapon ng kumpanyang Flying V ang pagtapyas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo na epektibo hatinggabi nitong Hunyo 8.

Epektibo ng alas-12:01 ng hatinggabi, Pinatupad ang bawas na p1.00 kada litro sa presyo ng Gasolina at Biodiesel.

Ayon sa kumpanyang Flying V, ang paggalaw sa presyo ng pandaigdigang pamilihan ang dahilan ng panibagong pagtatapyas sa halaga ng mga produktong Petrolyo.

Bagama’t hindi pa nag-aanunsiyo ng pagbabawas sa presyo ng kanilang mga produkto ang ilang kompanya ng Langis na inaasahan na susunod na rin sa kahalintulad na halaga.

Magugunitang huling nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong Petrolyo noong Hunyo 3 ang mga kumpanya ng Langis sa Bansa.

Speak Your Mind

*