PNP, pina-iigting pa ang kampanya laban sa kriminalidad sa bansa

Mas pina-iigting pa ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa kriminalidad sa bansa.

Ito ay kaugnay ng serye ng mga pagpaslang partikular na sa mga prominenteng personalidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Wilben Mayor, nagsagawa na ng command conference ang ahensya sa lahat ng PNP Regional Directors para tugunan ang direktiba ang Pangulong Noynoy Aquino na tutukan ang pagsugpo sa lumalalang kaso ng kriminalidad sa bansa.

Dagdag pa ni Mayor, bumuo na rin ang pambansang pulisya ng grupong tututok sa isang partikular na insidente ng pamamaslang.

Speak Your Mind

*