PNP San Carlos, binalaan ang mga bar owner kaugnay sa kanilang “Operation Oplan Kalapati”

Nagbabala ngayon ang Philippine National Police o PNP sa mga bars owner sa lungsod ng San Carlos, Pangasinan kaugnay sa mahigpit nilang pagpapatupad ng “Oplan Kalapati”.

Una nang nagresulta ang kanilang Oplan Kalapati sa pagkakasagip sa labin walong kababaihan na nagtatrabaho bilang mga Guest Relation Officers (GRO) dahil sa kawalan ng maipakitang health permit o pink card.

Ayon kay P/Insp. Jonaflor Bariuan, ang Women’s and Children’s Protection Desk ng San Carlos PNP, dapat regular na nagpapa-check-up ang mga kababaihan sa City Health Office upang malaman kung ligtas ang mga ito na magtrabaho sa bars.

Babala din ng PNP San Carlos sa mga may-ari ng bar sa lungsod na sigurihing may sapat na working permit ang mga kababaihang kanilang kukunin bilang GRO dahil posibleng silang matanggalan ng business permit.

Speak Your Mind

*