Pork Barrel Fund na pinagmumulan ng katiwalian, hindi na maibabalik pa sa 2015 national budget ayon sa Kamara

Hindi na maibabalik pa sa 2015 National Budget ang Kontrobersyal na Priority Development Assistance Fund o mas kilala bilang Pork Barrel.

Ito ang siniguro ni House Speaker Feliciano Belmonte matapos ideklarang iligal ng Korte Suprema ang PDAF ng mga mambabatas.

Sinabi ni Belmonte na hangga’t maaari ay iiwasan din nilang maisingit sa 2015 budget ang Lump Sum na pondo sa iba’t ibang ahensiya na pang-tugon sa pangangailangan ng constituents ng mga mambabatas.

Naniniwala rin si Belmonte na sapat pa ang kanilang panahon para paghandaan ang paglalatag ng proyekto ng bawat Kongresista na ipapaloob sa budget para sa susunod na taon.

Magugunita na sa ilalim ng 2014 budget, tinanggal na ang isang linya ng lump sum ng pork barrel matapos umalma ang iba’t ibang sektor at bumigay ang malakanyang sa pressure ng publiko.

Speak Your Mind

*