Posibleng pagtaas ng presyo ng mga de lata, minomonitor narin ng DTI

Patuloy na mino-monitor ng Department of Trade and Industry o DTI ang posibleng pagtaas ng presyo ng mga produktong de-lata sa merkado.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Trade and Industry Undersecretary Victorio Dimagiba na tumaas ang presyo ng baboy na isa mga pangunahing produkto na inilalagay sa lata.

Ayon kay Dimagiba, pag-aaralan nila ang posibleng epekto ng presyo ng mga de-lata kasunod ng pagtaas ng presyo ng baboy.

Una nang pinangambahan na baka sumunod na ring tumaas ang presyo ng mga produktong de-lata matapos ang pagtaas ng presyo ng bigas, bawang at karne sa lokal na merkado.

Speak Your Mind

*