PPO, iginiit na Generally Peaceful ang Pangasinan

Generally Peaceful ang lalawigan ng Pangasinan.

Ito ayon kay OIC Provincial Director Police Senior Supt. Sterling Raymund Blanco ng Pangasinan Police Office sa likod ng pagtaas ng mga index at non index crime na kanyang inireport sa sanguniang panlalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Blanco, sa kasalukuyan ay may katumbas na isang police sa may 1,330 na sibilyan at mapayapang binabantayan ang 269 major vital installations, 1,580 schools and universities, 666 financial institutions, at 1,302 na iba pang klase ng vitals instalations.

Idinagdag pa ni Blanco na inayos ng Pangasinan Provincial Security Company ang ugnayan sa mga kumunidad ng mga makakaliwang grupo sa Eastern Pangasinan na siyang dahilan kayat naiwasan ang maaaring karahasan sa lalawigan.

Speak Your Mind

*