PPO, walang naitalang shooting insident sa Pangasinan nitong nagdaang araw

Wala umanong naitalang shooting insident o anumang major crime insident ang Police Provincial Office o PPO nitong nagdaang weeked sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang inihayag ni PPO-Public Information Officer P/Supt. Ryan Manongdo, kaugnay sa ipatupad na suspension ng permit to carry firearms outside residence na sinimulan nila nitong nadaang biyernes.

Sinabi ni Manongdo na kasama sa mahigpit at mas pina-igting ng Pangasinan PNP ang kanilang presensya sa pamamagitan ng Checkpoint at Oplan-Sita upang maiwasan ang pagtatala ng anumang krimen.

Nagpapatuloy din umano kanilang isinasagawang Oplan Katok upang matukoy ang mga sibilyan na posibleng nagmamay-ari ng mga baril na walang lesinsya.

Speak Your Mind

*