Presyo ng Bawang, posibleng bumalik na sa normal sa katapusan ng Hunyo.

Posibleng bumalik na sa normal ang presyo ng Bawang sa katapusan ng Hunyo.

Ito ayon kay Department of Agriculture Director Jennifer Remoquillo ay kung maaaprubahan ang rekomendasyon ng National Garlic action team na mag-angkat na ng Bawang.

Layunin ng pag-import ng bawang na matugunan ang kakulangan sa supply ng bawang na nagiging sanhin para tumaas ng husto ang presyo nito.

Sinabi pa ni Remoquillo na inaasahang makatutulong din sa pagpapababa ng presyo ang pag-iikot ngayon ng Department of Agriculture (DA) para magbenta ng mas murang lokal na bawang.

Nabatid na pumapalo pa ng hanggang 150-piso ang kada kilo ng bawang na mabibili sa mga palengke.

Speak Your Mind

*