Presyo ng mga highland vegetable sa Pangasinan mula Benguet, tumaas na

Doble na ang itinaas sa presyo ng mga highland vegetable sa Malimgas Public Market sa Lungsod ng Dagupan dahil sa kaunting suplay nito mula sa Benguet Province.

Ito’y dahil sa apektado na umano ang produksyon ng mga gulay bunsod ng tuloy-tuloy na maulang panahon.

Sa ngayon, umaabot na sa P100 ang kada kilo ng carrots, celery, at bell paper na itinuturing na highland vegetable habang tumaas narin ang presyo ng lowland vegetable gaya ng talong, sitaw at amplaya na umaabot na sa P30 – P50 kada kilo.

Samantala, nananatili paring mataas ang presyong ilang mga rekado kabilang na ang sibuyas na mabibili sa p50 kada kilo habang ang bawang na binabantayan ng presyo ay nasa P300 ang kada kilo.

Speak Your Mind

*