Presyo ng mga pangunahing bilihin, sunod-sunod na ring tumaas

Matapos ang pagtaas ng pamasahe sa jeepney, sunod-sunod na ring tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Tumaas na rin ang presyo ng manok at baboy kasunod ng napabalitang pagtaas sa presyo ng bawang, luya, bigas at asukal.

Maliban dito, nagbabadya naman ang pagtaas ng ilang brand ng gatas at produktong de lata.

Dahil dito, nagpulong ang national price coordinating council para talakayin ang sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sa kaso ng bawang, sinabi ni NPCC Chairman at Trade And Industry Secretary Gregory Domingo na nagkaroon lang ng temporary shortage kaya tumaas ang presyo nito.

Speak Your Mind

*