Presyo ng mga Produktong Petrolyo, posibleng tumaas na naman ngayong linggo

Dahil sa tumitinĀ¬ding kaguluhan sa Iraq, posibleng tumaas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo sa linggong ito.

Sinabi ni Energy Undersecretary Zenaida Monsada na anumang pagtaas sa presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado ay magdudulot din ng pagtaas ng piso kada litro sa lokal na presyuhan.

Nagpapalala pa aniya sa sitwasyon ang pagkubkob ng mga rebeldeng grupo sa hilagang bahagi ng Iraq kung saan matatagpuan ang Oil Refinery at production facility.

Ayon naman sa ilang industry sources, mas mataas pa sa Piso ang inaasahang magiging pagtaas ng sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Speak Your Mind

*