Presyo ng produktong petrolyo, tumaas dahil sa krisis sa Iraq

Dahil sa kaguluhang nararanasan ngayon sa Iraq, muling tumaas ang presyo ng produktong petrolyo.

Inanunsyo ng Petron, Shell, PTT, Seaoil at Phoenix Petroleum ang P0.20 sentimo kada litro na pagtaas sa presyo ng gasolina.

Nasa P0.30 sentimo kada litro naman ang itinaas sa presyo ng diesel habang P.55 sentimo kada litro sa kerosene.

Unang lumabas sa isang pandaigdigang pahayagan na kahit may sapat na supply ng langis ang Iraq ay tumataas ang presyo ng langis dahil sa nalilimitahan ng giyera doon ang operasyon ng mga kompanya ng langis.

Speak Your Mind

*