Problema ng iligal na droga sa Pangasinan, kontrolado pa umano

Kuntrolado pa umano ang problema ng iligal na droga sa lalawigan ng Pangasinan sa kabila ng pagtaas ng kaso nito.

Ito ang inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 Director Adrian Alvarino sa pagharap nito sa isinagawang regular sesyon ng Sangguniang Panlalawigan sa bayan ng Lingayen.

Sinabi ni PDEA Regional Director Adrian Alvarino na tumaas ang kaso ng iligal ng droga sa lalawigan partikular na sa lungsod ng Dagupan, Urdaneta, at bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Kasabay nito, hiniling ng opisyal na sana ay madagdag ang kanilang PDEA Agent upang mas matutukan ang kanilang isinasagawang operasyon upang mas mabantayan ang mga nagsasagawa ng iligal na aktibidad na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Speak Your Mind

*