Proteksyon at pangangalaga sa Hundred Islands, prayoridad

Binigyang diin ng pamahalaang panglungsod ng Alaminos na prayoridad parin ni Alaminos City Mayor Arthur Celeste, ang bigyang proteksyon at pangangalaga ang Hundred Islands National Park.

Ito’y sa kabila ng pagbubukas ng unang zipline, rappelling at wall climbing sa Hundred Islands noong sabado.

Sinabi ni Mayor Celeste na ang nabanggit na amenities ay itinayo bilang dagdag sa umiiral na mga sports water activities tulad ng diving, helmet diving, snorkling at kayaking upang matiyak na masisiyahan ang mga turista.

Binigyan diin ni Celeste na bagamat maraming developments ang isinasagawa sa isla, dumaan ito sa tamang proseso at aprubado ng DENR, Protected Area Management Board, ng Sangguniang Panlungsod at ng iba pang Concerned Agencies.

Speak Your Mind

*