Provincial Government ng Pangasinan, taos pusong nakikiramay sa pamilya ng namayapang Alkalde ng Urbiztondo

Nagpahayag ng taos pusong pakikiramay ang Provincial Government ng Pangasinan sa pamilya ng namayapang Alkalde ng Urbiztondo na si Mayor Ernesto V. Balolong, Jr. na napatay ng mga armadong kalalakihan.

Sa resolusyong ipinila sa 38th regular session ng Provincial Board kahapon, na pinangunahan ni Board Member Alfonso Bince, Jr., ang buong pamunuan ng probinsya ay ipinaparating ang pakikiramay sa kanilang kapwa public servant na nagsilbi sa kanyang bayan sa abot ng makakaya.”

Samantala, mariing kinondena ni Gov. Amado T. Espino, Jr., ang pagkakapaslang kay Mayor Balolong at dalawang iba pa.

Dahil dito, inatasan ng gobernador ang lahat ng kinauukulang ahensya na alamin ang ugat ng nasabing krimen.

Speak Your Mind

*