Provincial Veterinary Office, nagsagawa ng medical mission para sa mga alagang hayop.

Patuloy na isinasagawa ng Provincial Veterinary Office ang medical mission para sa mga alagang hayop sa ibat-ibang bayan sa lalawigan ng Pangasinan.

Una na rito ang katatapos lang libreng pagbabakuna at pagpurga sa mga alagang baka sa Brgy. Bantog Sur sa bayan ng Bani, na dinagsa ng maraming magsasaka.

Sinabi ni Provincial Veterinarian Dr. Eric Perez, na responsibilidad nilang tiyaking malusog at ligtas ang mga alagang hayop at maingganyo ang mga magsasaka na mag-alaga pa ng mas maraming hayop.

Paghahanda na rin ani Perez ito upang maprotektahan sa sakit ang mga hayop lalo’t papalamit na ang panahon ng tag-ulan.

Speak Your Mind

*