Publiko, hinihikayat ng makiisa sa “Million People March’

Hinikayat ni CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna, ang publiko na makiisa sa kilos-protesta ngayong Araw ng Kalayaan ng bansa.

Ito’y upang hindi aniya mamatay ang paghingi ng hustisya laban sa mga taong sangkot sa multi-bilyong pisong pork barrel scam.

Ginawa ni Tugna ang pakiusap matapos ikasa ng mga organizer ng ‘Million People March’ ang panibagong kilos-protesta laban sa pork barrel scam sa Araw ng Kalayaan.

Matatandaang sa ‘Million People March’ noong nakaraang taon, nagkaisa ang iba’t ibang sektor ng lipunan upang maipakita ang kanilang galit sa pagkurakot sa pondo ng bayan.

Speak Your Mind

*